RITWAL UPANG MAGING KAAKIT-AKIT KA SA IBANG TAO AT ANG PAGKAKAROON NG PROTEKSYON UPANG MAKAIWAS SA AKSIDENTE
RITWAL UPANG MAGING
KAAKIT-AKIT KA SA IBANG TAO AT ANG PAGKAKAROON NG PROTEKSYON UPANG MAKAIWAS SA
AKSIDENTE
IHAHAYAG ko sa inyo ang
kakaibang kaalaman upang maging kaakit-akit ka sa paningin ng ibang tao. Mainam
na gawin ang ritwal na ito lalo na kung naghahanap ka ng trabaho o kaya ikaw ay
manliligaw.
Sa mga naghahanap ng
trabaho, nanliligaw o isa kang agent. Malaki ang magagawa sa iyo ng ritwal na
ito – ito’y isang paraan upang maging kaakit-akit ka sa paningin ng ibang tao.
Sabi nga kung panget ka puwede kang maging maganda sa kanilang paningin.
Bago simulan ang ritwal,
kumuha ka ng pitong kandila, kinakailangan na pare-pareho ang sukat nito at
laki. Pitong kulay din ang dapat na kulay nito, bawat isang kulay kumakatawan
sa katatagan o pang-akit ng buhay. Iwasan lamang na gumamit ng kulay itim.
Mainam na gamitin mo ang kulay rosas, dilaw, orange, berde, pula,
asul, at violet. Ngayong may kandila ka na, kunin naman ang iyong
larawan. Magsindi ng kandila sa harapan ng iyong larawan, titigan ang apoy ng
kandila na nakatapat sa iyong larawan. Agad mong mapapansin ang pagkakaroon ng
iba’t ibang kulay ng liwanag sa kandila. Itapat sa apoy ng kandila ang iyong
dalawang palad, iwasan lang na ito’y sa malapit nang hindi ka naman mapaso.
Hayaan nakatapat ang iyong
mga kamay sa loob ng limang minuto. Matapos iyon, mahiga ka sa ibabaw ng kama.
Ipikit ang iyong mga mata at isipin ang pitong kulay na kumakatawan sa kandila.
Paghaluin ang mga kulay na iyon sa iyong isipan, ngayong naihalo mo na ito,
likhain sa iyong imahinasyon na nasa ibabaw ng iyong ulo ang iba’t ibang kulay.
At hatakin mo ang kulay na iyon ng imahinasyon patungo sa buo mong katawan.
Pasabugin ang mga kulay na iyon sa katawan nang sa ganoon sumanib sa katawan
mo.
Matapos ito, idilat na ang
mga mata at alisin na ang larawan, patayin na rin ang liwanag ng mga kandila.
Puwede ka nang maligo,
matapos gawin ang ritwal. At magbihis ng maayos patungo sa pupuntahan.
Mapapansin na marami na ang makakapansin sa iyo, at tiyak na kung mag-aaplay ka
ng trabaho matatanggap ka. Mainam din na gawin ang ritwal na ito bago pumunta
sa iyong nililigawan.
Ang isa sa talisman na
pampalakas ng KARISMA ay ang MAGNETIC AURA CHARM, sa sandaling taglayin mo ito
– lalakas ang iyong karisma sa bawat makakakita sa iyo.
Maiba naman po tayo,
pag-usapan naman natin ang tungkol sa isang uri ng mahikal na bato na
mula sa kalikasan – marami ang naghahanap nito, ito ay tungkol sa sinasabing
HEALING STONE, kug tawagin ito ay MEDICUS SAXUM . Sa pag-aaral ng mga Mistiko,
natuklasan ang isang uring bato na natatangi sa lahat. Kinalulugdan ng mga
engkanto at diwata sa kagubatan. Hinahalikan ng mga makapangyarihang diyosa at
Nympa. Hindi mga pangkaraniwang tao ang ibig na makapag-ingat nito, bangkus
maging ang mga nilalang na may taglay ng kapangyarihan nais nilang makapagdala
nito. May paniniwala ang mga immortal na kapag tinaglay nila ang pinagpalang
bato na Medicus Saxum , nakatitiyak sila ng higit na malakas na kapangyarihan.
Sa ordinaryong tao, higit na makapagbibigay ito ng natatanging pakinabang. Ang
karamdaman ay pinahihilom nito, maging ito’y gawa nag tao, maligno o maging ng
kalikasan. Nagagawa nilang mapaghilom iyon – kaya naman marami na ang sumubok
na gamitin ito sa kasalukuyang panahon. Higit iyong mga tao na wala ng
pag-asang gumaling. Silang nagsusugal ng kaligtasan sa Inang Kalikasan at
siyempre pa malakas din ang pananalig nila sa Poong Lumikha. Ano nga
ba ang higit na kapangyarihan nito? Tulad nang aking nasabi, puwedeng makapaghimala
ang Medicus saxum para sa isang kagalingan. Pabor din gamitin ng mga tao na
hindi nagkakaanak, ang mahalaga lamang wala silang karamdaman.
Ngayon sulyapan naman
natin ang karanasan nung isa sa ating suking tagasubaybay. Nagkuwento ng
karanasan. Sabi niya, kanyang naiwasan ang tiyak na kamatayan dahil sa taglay
niyang pangproteksyon sa aksidente at kapahamakan.
Sakay siya ng bus, madaling araw yun. Habang
tumatakbo ang sasakyan ay nakatulog siya.
Hindi niya alam kung gaano katagal na siya naiidlip, pero bigla na
lamang siya nagising. Parang may kung anong bagay ang gumising sa kanya. May
naramdaman siyang pag-iinit sa kanyang bulsa. Nung kapain niya iyon, ay ang
bertud na MYSTICAL ARAM ACSDIAM, nakuha nya raw ito sa aking tanggapan.
Pero hindi nya pinansin iyon, kasi nga antok na antok siya.
Nung ipipikit nya ulit ang kanyang mga mata bigla naman
siyang kinabahan. Naalala nya ang habilin sa Mystical aram Acsidam, na kapag kinabahan
o biglang uminit puwedeng may panganib.
Gusto sana niyang bumaba ng bus, kaso nasa high way sila. Kaya minabuti
niyang lumipat ng upuan dahil hindi naman gaanong puno ang bus. Saktong
pagkalipat niya ng upuan, may isang trak na bigla lamang bumangga sa kanila,
sapol ang lugar na kinauupuan niya. Kung nagkataon na naroon raw siya, malamang
patay siya. Yun kasing nasa bandang likuran nung upuan na kinauupuan niya bago
siya lumipat ay namatay.
Laking pasasalamat nga niya dahil napatunayan na niya na totoo nga
ang kapangyarihan ng Mystical Aram Acsidam, ngayon ay di talaga siya nagsisisi
kung bakit siya nakabili nung bertud na iyon. Kaya labis-labis ang kanyang
pasasalamat .
Nakatutuwa naman po ang inyong karanasan, sa totoo po hindi lang
kayo ang nakaranas ng ganyang
pangyayari. Marami na din po sa gumamit nya ang nailigtas sa tiyak na
kapamahakan o kamatayan.
Ano nga ba ang Mystical aram Acsidam? Para sa mga tao na ngayon
lang nababasa ang tungkol dito, ito ay isang uri ng bertud o talisman na
humahadlang sa mga kapahamakan sa buhay, iiwas ka nito sa tiyak na kapahamakan. Ilalayo ka sa aksidente at sa
masasang tao. Proteksyon sa sarili kung
tawagin ng iba.
Sa panahon natin ngayon na napakasama na ng mga tao sa ating paligid at napakami
nang aksidente ang naitatala sa kasaysayan . Mainam na meron po kayo nito,
huwag panghinayangan kung kayo ay kukuha nito. Walang katapat na halaga ang
inyong kaligtasan.
Kung nais ninyon magkaroon nito, puwede po kayon makakuha nito sa
aking tanggapan. Manigurado na tamang Mystical Aram acsidam ang inyong
makukuha, sa aming opisina lamang ito matatagpuan.
